Tuesday, September 30, 2008

Falling in Love with a Gangster





I do believe that every person in the world is born to have a good heart. Even if you are the meanest person in the world, you still have a good part in your heart.

First day of class.
“Marie! Marie!” tawag ni Mae kay Marie. “O, hi! Kumusta? Long time no see ha?” ani ni Marie.
“Okay lang naman ako. Eh, ikaw kumusta ang bakasyon mo? Excited na tanong ni Mae.
“Okay lang din. As in super enjoy kami sa reunion namin.” tugon ni Marie.
At nagpatuloy pa sila sa kanilang kwentuhan hanggang sa makarating sila sa kanilang classroom.
“Aray!” sigaw ni Marie. “Ay, naku! Sorry, po! Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko, eh.” Nagpapaumanhing sambit ni Marie.
“Sa susunod, tumingin-tingin ka sa dinadaanan mo ha?! Pabulyaw na sagot ng lalaki.
“Eh, nag sorry naman siya diba? Ano pa bang inaangal-angal mo diyan?” galit na depensa ni Mae sa kaibigan.
“Huwag ka ngang makialam dito bubwit! Sinisira niyo ang araw ko!! Diyan na nga kayo!!” paalis na sagot ng lalaki.
“Hoy! Hindi pa tayo tapos! Hoy!” galit na anas ni Mae.
“Mae, tama na nga ‘yan. Huwag nating hayaang masira ng lalaking iyon ang araw natin. First day of class pa naman. We should have nice first impression to everyone.” Sabi ni Marie.
“Sige na nga!”

After class.
“Marie, sasabay ka ba sa akin?” tanong ni Mae.
“Hindi na muna, Mae. Mag re-research pa kasi ako para sa project natin sa Physics. Eh, ikaw? Hindi ka pa ba gagawa ng project?”
“Hindi na muna, matagal pa naman yun, diba? Pero, kung naaawa ka na sa kaibigan mong maganda na ay seksi pa, pwede ring…”
“Oo na.. mag re-research na rin ako para sa iyo. Huwag mo nang paramihin pa ang sinasabi mo. Sabihin mo nalang sa akin ng diretso, okay?”
“Ang bait talaga ng friend ko. I am so blessed to have you as my friend.”
“Sure ka? O, sige na, aalis na ako.”
“Babuusshh!! Mwaahuuggsss…!!”

Sa labas ng kanilang school, nakita ni Marie ang lalaking nakabangga nila ni Mae kaninang umaga. Nakaupo ito sa dulo ng kanilang benches na parang may hinihintay at naka civilian na ito. Nang tinitigan niyang mabuti, may hitsura naman ito. Medyo oblong ang shape ng muka, matangos ang ilong, bilugan ang mata, hindi masyado makapal ang kilay hindi gaya ng ibang lalaki, manipis ang mga labi at mamula-mula. Pero, pagtingin ulit ni Marie, nakatingin na rin sa kanya ang lalaki at para siyang ipinako sa kanyang kinatatayuan dahil nakita niya itong palapit sa kanya.
“Ano ang gagawin ko? Tatakbo o haharapin ko siya? Pero kapag hinarap ko siya ano ang sasabihin ko? Baka suntukin niya lang ako. Ah, aalis na lang ako. Tama! ‘Yun nga ang gagawin ko.” Inisip ni Marie.
Dahan-dahan siyang tumalikod at nagsimulang maglakad. Pero parang mali ang hinala niya dahil nauna pang maglakad ang lalaki sa kanya at tinatawag ang isa pang lalaki sa kanto.
“Rods! Pare! Nandito ako.!” Sigaw ng lalaking tinitigan ni Marie kani-kanina lang.
“O, John, pare. Ang hirap namang hagilapin nitong bago mong school. Mukhang, sosyal itong school niyo,ah!” sagot ng Rods na tinawag ng lalaki.
“John? John pala ang pangalan niya.” Iniisip ni Marie.
Medyo nagdahan-dahan si Marie sa paglalakad para marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.
“May bago ba tayong titirahin?” tanong ni Rods kay John.
“Titirahin? Ano ang ibig sabihin ‘nun?” nagtatakang tanong ni Marie sa kanyang sarili.
“May bago nga pare, grupo ni Angelo. Ginantihan kasi nila si Marco. Nagtext sa akin sina Dexter. Ang sabi niya, inabangan nila si Marco sa kanto ng bahay nito at biglang pinagsususuntok.” Galit na sumbong ni John na hindi mapigilang mapalakas ang kanyang boses sa tindi ng nararamdaman.
“Pare, dahan-dahan lang sa pagsasalita, may babae sa likod mo na kanina pa nakatunganga at parang nakikinig sa’yo.” ani Rods.
“Hoy! Ikaw na naman? Ano ba ang ginagawa mo diyan? Nakikinig ka ba? Nananadya ka bang talaga, ha?” galit na baling ni John sa kanya.
“Ha? Ano kasi.. ah.. ano.. wala lang! Aalis na nga, eh!” kinakabahang sagot ni Marie.

Kinabukasan.
“Hoy! Babae! Halika nga dito!” pabulong ngunit pagalit na sabi ni John sa kanya. “Aray! Ano ba? Masakit ha? Bitiwan mo nga ako! Baka ma-late na ako!” naiinis na sagot ni Marie.
Hinila siya ni John sa likod ng stage para kausapin.
“May narinig ka ba sa pinag-usapan namin ng kaibigan ko kahapon?” tanong ni John.
Ngunit dahil sa takot ay hindi makapagsalita si Marie dahil para kasing nanlilisik ang mga mata ng lalaki at anyong kakainin siya nito dahil sa tindi ng pagkakahawak sa kanyang mga braso. Ngunit ayaw niyang pagapi sa emosyon niya. Pilit niyang nilalabanan ang takot na nararamdaman niya.
“Can you please let me go? Or else I’ll sue you for doing this to me!” nagmamatigas na sagot niya kahit na medyo nanginginig na ang lalamunan niya.
“Huwag mo akong Ingles-inglesin, babae! Sagutin mo muna ako!
“Wala akong narinig! Okay?”
“Sigurado ka ba?”
“Hindi! Ah, I mean, oo!”
“Humanda ka sa akin babae. Teka, ano nga pala ang pangalan mo?! Sagot!”
“Secret!” pagkasagot niya sa kay John, sinipa niya ito sa gitna ng mga hita nito. At nabitawan siya nito at pagkatapos ay tumakbo na siya kaagad.

Lunch Time
Papunta sana sina Marie at Mae sa C.R. ngunit nakita niya si John na nakatayo sa may corridor. At grabe kung makatingin sa kanya.
“Ah, Mae, may nakalimutan lang ako sa classroom. Mauna ka na lang muna, susunod na lang ako sa’yo, okay?” sabi ni Marie.
“Okay.. Teka, ba’t ka ba nanginginig?”
“Ha? Hindi, ah!”
Nauna nga si Mae sa kanya. Pero di niya akalain na sinundan siya ni John.
“Iniiwasan mo ba ako?” tanong ni john sa kanya.
“At bakit kita iiwasan, aber? May ginawa ba ako sa’yo?
“Siguro, may narinig ka nga kahapon. Dahil nang nakita mo ako, bigla kong nakita ang takot sa mga mata mo.”
“Wala nga sabi diba?”
“Eh, bakit tumalikod ka kaagad nang makita mo ako?”
“Wala lang.. Eh, ano’ng pakialam mo kung ayaw kitang makita?”
“Siguro, may gusto ka sa akin, no?”
“Hoy, excuse me! Hinding-hindi ako magkakagusto sa isang gaya mo’ng gangster!!!” tinakpan kaagad ni Marie ang bibig niya at unti-unting umatras dahil nadulas ang kanyang dila sa pagsasabi kay John na isa itong gangster.
“Anong sinabi mo? Tama nga ang hinala ko, may alam ka nga. May iba ka pa bang sinabihan sa nalalaman mo?”
“Wala…” mahina niyang sagot na parang isang bulong lang.
“Ano!!”
“Wala nga!” pasigaw niyang sagot at tumakbo na siyang bigla.
“Hoy! Teka lang…”

Ilang lingo na ang nakalilipas.
“Hoy, Marie. Napapansin ko na nitong mga nakaraang araw parang napakalalim ng mga iniisip mo. Feeling ko nga you are always stressed. Can you spill your problem?” concern na tanong ni Mae.
“Wala no.. I mean, sige na nga. I’ll give you this situation. May nalaman yung girl tungkol sa boy.”
“Eh, ano ang nalaman niya?”
“Wait lang, hindi pa naman ako tapos, eh. Nalaman niya na may pinasukan ang boy na makakasira lang sa kanya. At first, yung girl, she hates this boy, but, dahil sa nalaman niya, she suddenly fell in love with the boy. Kasi parang feeling niya na gusto niya itong baguhin.”
“Ano ba ang pinasukan niya?” natatawang sagot ni Mae.
“Ikaw talaga! Dirty minded! Yung parang, butas ng karayom? Ay, ewan! Di ko talaga ma-explain. Bakit ba yung mga lalaki kung anu-ano ang pumapasok sa isipan. Porke gusto lang na sabihing astig ay gagawin na ang mga masasamang bisyo. Nakakainis!”
Bigla namang pumasok sa eksena si Mac, kaklase nila, at sinabing,
“Alam mo Marie, hindi iyan maiiwasan. Pero, someday, mare-realize lang nila that what they did is not good for them.”
“Hoy, Mac! English ‘yun. Palakpakan po natin si Mac mga kaibigan.” Birong tugon ni Mae sa sinabi ni Mac at nagtawanan naman ang lahat.
“At isa pa, Mac, what you said is so deep…! Nalunod ako doon.” Pahabol na biro ni Louise.
“Pero Marie, are you serious sa sinabi mo?” tanong ni Ann, kaklase rin nila.
“Ano ba ang sinabi ko?” nagtatakang tanong niya rin dito.
“Hello, nakikinig kaya kaming lahat dito no!” sabat ni Kristine.
“Ano?” gulat na lang niyang sambit.
“Kaming lahat, Marie napansin ang pagkawala ng iyong pagka-cheerful. Sana we can help you to ease that burden na dinadala mo deep inside you.” Dagdag ni Joyce.
“Salamat sa inyong lahat, ha? Pero kaya ko pa naman,eh. Don’t worry I’ll bear that in mind.”


Alas sais ng gabi sa secret place nila kung saan nila ginagawa ang kanilang mga projects.
Matagal silang uuwi dahil ginagawa pa nila ang background nila para sa kanilang Variety Show.
“Haay.. nakakapagod talaga ang araw na ito!” sabi ni Lynn.
“Tama ka! Umuwi na kaya tayo.. Bukas na lang natin ito tapusin.” Sagot ni Belle.
“O, sige na, umuwi na muna kayo. Susunod na lang ako.” ani Marie.
“Sure ka ba, Marie?” tanong nilang lahat.
“Oo, magliligpit lang ako sandali.”sagot ni Marie.
“Mauna na kami sa’yo ha? Bye!” sabay sabay nilang paalam.

Ilang minuto lang ang nakalilipas.
“Tulong! May tao ba diyan?” sigaw ng isang lalaki.
“Oo may tao pa dito. Sino ‘yan?” kinakabahang tanong ni Marie.
“Nasaan ka ba? Si Rey ito. Pwede mo ba kaming tulungan ng kaibigan ko?”
“Teka lang!” nagmamadali niyang tugon.

- Paglabas ni Marie…-

“Oh, my God! Ano ang nangyari sa kanya? Teka, si John ba ito?” sabi ni Marie.
“Oo, nag riot kasi yung grupo namin at ng kalaban naming grupo. Si John ang napuruhan dahil siya ang nagpatama sa palo na dapat ay sa akin napunta.” Malungkot na sabi ni Rey kay Marie.
“Naku, halika dali at gamutin natin siya. Paano nga pala kayo nakapunta dito sa secret place namin?”
“Hindi ko alam. Si John ang nasabi na dito kami pumunta. Ni hindi ko man lang alam na may ganitong lugar pala dito.”
“Talaga?”
“Pwede ka bang bumili ng gamut sa may botika? Dito ka dumaan baka may makakita sa iyo diyan.” Utos ni Marie kay Rey
“Oo sige.”

-Pagkaraan lang ng ilang minuto-

“Hmm..Hmm..”
“John? Gising ka na ba? Si Marie ito.”
“Ano’ng ginagawa ko dito? Nasaan si Rey?”
“Pwede ba’ng manahimik ka na lang? Bakit ka ba kasi sumasali sa mga ganyang grupo?Hindi mo ba iniisip na maraming nagmamahal sa iyo? Bakit mo ba iniisip ang sinasabi ng ibang tao? Kahit hindi ka astig, Ma……. pa rin kita!! Wala!!!”
“Ano’ng sabi mo? Mahal mo ako?”
“Wala naman akong sinabi, ah!”
“Pero iyon pa rin naman ang sasabihin mo di’ba? Marie, hindi kita inutusang mahalin ako.”
“Hindi nga. Pero ano’ng magagawa mo kung ikaw ang tinitibok at nilalaman nito?! At teka lang, paano mo nalaman ang pangalan ko?.”
“Pinagtanong ko sa iba kung ano ang pangalan mo.”
“Ewan ko sa iyo. Hindi rin naman ako umaasa na mahalin mo rin ako. Sanay na akong masaktan at ma-broken heart! Kaya huwag kang mag-alala, kalilimutan na kita… Nakikinig ka ba? Hoy!! Aba! at natulog lang. ang dami ko kayang sinabi pero tinulugan lang ako.”
Tatlong araw na ang nakalipas.
“Mga dude, ‘yan na yata yung tumulong kay John noong binugbog natin ‘yung lalaking iyon, eh.” Sabi ng lalaking nakaputi.
“Oo, tama ka! Siya nga ang itinuro ni Mark sa akin noong isang araw.. Malaking tulong talaga si Rods sa atin. Hahahaha… ” sabi naman ng lalaking naka-pula.
“Sunggaban na kaya natin?” sabi ng isa pa.
“Maghintay lang kayo sa senyales ko, ha?” sabi ng nakaputi.

At nilapitan nga nila si Marie. Nagulat na lang si Marie nang hawakan siya sa magkabilang braso.
“Miss, alam mo bang masyado ka nang pakialamera? Kung hindi dahil sa iyo ay patay na sana si John.”
At bigla na lang nilang sinuntok si Marie sa tiyan. Namimilipit si Marie sa sobrang sakit. Papaluin na sana siya ng mga ito ngunit dumating sina John at Rey at pinagtulungan nilang dalawa ang mga lalaking nag-aabang kay Marie.
“John, sa likod mo!” sigaw ni Marie.
Ngunit hindi narinig ni John.
“Wala nang ibang paraan. Kundi ito.”
Ito ang mga huling katagang naaalala ni Marie. Itinulak kasi niya si John upang hindi tumama ang balisong sa lalaki.

Kaya sa kasamaang palad, si Marie ay malubha dahil natamaan ang puso niya sa pagkakasaksak. Dalawampu’t tatlong saksak ang natamo ni Marie.
Matapos ang maselang operasyon, naghintay ang lahat na magising si Marie. Makaraan ang ilang araw, nagising si Marie at kinausap si John.

“Alam mo John, sa tagal ko dito sa mundong ibabaw, the thing that I will never forget and the thing that I will treasure forever is that I fall in love with a gangster. Huwag mo sanang sisihin ang sarili mo kung may mangyari man sa akin dahil ako pa rin ang nagdesisyon sa ginawa ko.” Mahinang sabi ni Marie.
“Marie, kung may pinagsisisihan man ako, iyon ay ang hindi pagtugon sa pagmamahal mo. Hindi ko inisip na maraming nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. Binale-wala kita sa mga panahong nadito ka pa. Marie… Marie…” tugon ni John.
“Paalam, John. Ma, Pa, salamat sa lahat. I Love you po. Sa mga kaibigan ko, mag-iingat kayo palagi, ha? At ikaw rin, Jo…hnnn…” ang huling katagang nasabi ni Marie.
“Marie, hindi ko man lang nasabi sa’yong…. Mahal din kita..” naisip na lang ni John.

Magmula noon, binago na ni John ang uri ng pamumuhay niya. Sinisimulan na rin niyang pahalagahan ang mga taong nagmamalasakit sa kanya.

Tuwing araw ng mga patay, lagi niyang binibisita ang puntod ni Marie. At sa lugar ding iyon, nakilala ni John si Abby na sa tingin niya ay ang babaeng mamahalin niya habang buhay. At anh hiling na lamang ni John, sana hindi na maulit ang nagyari noon sa kanyang unang pag-ibig.