
In every person’s life, there are always right and wrong because we will never learn if we won’t make any mistake. In a relationship between a man and a woman there will always have changes that will occur only in a span of time like your sweetness, your communication, your care for each other and most of all, your love for each other and the spark that you once have. But, what if, when you said you loved him/her, another person is in your mind? This story of love is inspired by the song of Katy Perry, Thinking of You.
June 2009
“Louise!!” tawag ni Colleen kay Louise na bagong dating lang sa campus. Unang araw ng pasukan nila ngayon sa eskwela. Hinihintay ni Colleen ang kanyang mga dating kaklase sa labas school nang sa ganoon ay sabay na silang pumasok sa loob.
“O, ba’t andito ka pa Colleen?”
“Eh, kasi po hinihintay ko lang kayo. An gaga ko kaya!”
“Ganyan ka naman talga eh, maaga lang sa unang araw dahil sa sobrang excited.”
“Hoy! Grabe ka naman kung makapagsalita.”
“O, nag-aaway kayo sa unang araw ng pasukan?” masayang bati ni Marie sa dalawang nagtatalo.
“Hindi no! Hay naku…” maagap na sagot ni Colleen.
“Tayo pa lang ba ang nandirito?” tanong ni Marie na luminga linga pa sa paligid.
“Hindi ba obvious, Marie? Haller!” sabi ni Louise.
“Pasensya,pasensya.”
Makaraan ang ilang minuti, dumating na ang ibang ksamahan nina Colleen, Louise at Marie. Ang lahat ay sobrang ingay dahil sa pagkukwento ng isa’t –isa tungkol sa kanilang summer vacation. Lahat sila ay pinagtitinginan ng mga estudyante at ng mga guro dahil sa sobrang ingay. Sinita na sila ng guard at teachers ay di pa rin natinag ang grupo. Mahirap na kasing pigilan ang pagka-excite ng bawat isa sa kanila sapagkat ito na ang huling school year na magkakasama sila sa iisang paaralan kung saan nabuo ang kanilang pagkakaibigan. Ang isiping magtatapos na sila ay nagdudulot isang malungkot na atmosphere sa kanila. Ilang sandila pa ay nagring na ang chime na nagbigay ng senyales na dapat na silang pumunta sa kani-kanilang linya kung saan sila nabibilang. At nadagdagan pa ang sobrang saya nila na halos lahat sila ay magkakasama pa rin sa iisang section. Kaya lang may iba silang kasamahan na nailipat sa ibang section. Tinanong nila ang kanilang principal tungkol doon.
“Ma’am Luz, bakit po ba nasa ibang section si Charlin at iyong iba naming kaklase sa ibang section?” tanong ni Florean.
“Oo nga naman Ma’am” sabat ni Marie.
“ALam niyo kasi, inilagay naming sila sa ibang section kasi kung isasama ko sila sa inyo hindi sila mabibigyan ng pagkakataong mas makilala pa.” paliwanang ng aming principal.
“Ano po ba ang ibig niyong sabihin, Ma’am?” tanong ni Koudai.
“Ganito kasi yun, kayo ang honor section, hindi ba?”
“Opo” sabay-sabay naming sagot.
“Kung sa inyo ko sila ilalagay, ma

No comments:
Post a Comment